Pag-maximize ng Gantimpala

Sa Battle Wave 2323, ang mga nagwagi ay pinipili ng koponang nakakuha ng pinakamataas na annual percentage yield (APY) mula sa LP token stakings. Kaya upang manalo, kailangan mong ma-maximize ang mga gantimpala gamit ang iba’t-ibang boosting methods at makipag-ugnay sa mga miyembro ng iyong koponan upang makapuntos sa time-based APY rewards.

Kahit na nasa sa iyo kung paano diskartehan ang laro, may mga payo kami kung paano ilagay ang sarili at ang koponan sa pinakamaayos na posisyon sa pamamagitan ng pagkuha ng maraming gantimpala.

Sa patuloy mong paglalaro, mas tumataas ang pagkakataong makakuha ka nang malalaking gantimpala at manalo. Sa unti-unting pakikilahok sa mga in-game processes (kasali ang mga mini games), mas makakakuha ka ng Oracle Shards at Artillery pieces, na makatutulong na mag-generate ng karagdagang APY boosts. Ang mga Artillery pieces ay maaaring pagsamahin ng koponan upang bumuo ng Combine Super Weapon boost na nagbabahagi ng 30% sa buong grupo, at ang mga Oracle Shards ay redeemable para sa mga NFTs na pwedeng i-stake kapalit ang boosts, depende sa power level ng NFT. Sa gayon, mas lalaki ang makakuhang APY kung patuloy kang maglalaro sa mas matagal na panahon.

Ang pakikipag-ugnay sa iyong koponan ay mahalaga rin. Tandaan, ang iyong Artillery ay maaari lamang magamit sa isang linggo na ito ay binili kaya siguraduhing handa ang iyong koponan na magtulungan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pagsisikap. Higit pa diyan, mas mataas ang pagkakataong manalo kung ang buong koponan ay sumusunod sa isang estratehiya na alam niyong magtatagumpay. Subalit, maging maingat din sa mga infiltrators sa Team Chat na mula sa ibang armies…

Sa kabuuan, kailangan mong intindihin ang laro upang tayahin ang pinaka-epektibong estratehiya – at makikita mong ang iyong karanasan ang magtuturo sa iyo kung ano ang pinaka-epektibo para sa iyo.