Ano nga ba ang NFT?

Ang mga non-fungible tokens (NFT) ang siyang sumasakop ngayon sa DeFI at gaming—sa magandang paraan. Ang mga tokens na ito ay sadyang kakaiba kumpara sa ibang digital assets katulad ng cryptocurrecncy sa ibang paraan, at ginagawa itong bukod-tangi at swak na swak gamitin sa virtual ecosystem at environment.

Una, para mas mainitindihan ang NFTs, tintingnan natin ang pangalan. Ang NFT ay isang digtal token, subalit hindi ito naipagpapalit sa ibang assets na may kaparehong uri. Sa kabaliktaran, ang fiat at cryptocurrency ay maaarin maipagpalit—maaaring ipagplit sa iba ang isang $10 na perang papel. O di kaya’y isang ETH sa iba, at ito’y mayroon pa ring magkaparehong halaga at utility, kahit na magkaiba ang assent at identifying number/ cod. Kaya nan, ang NFT ay kakaiba mula sa iba kahit na nasa magkparehong grupo or koleksyon lamanag sila, ay hindi sila maaaring maipagpalit-palit.

Sa katunayan, nangingibabaw ang NFT kumpara sa ibang digital asset sa tatlong paraan: sila ay natatangi, pambihira at hindi nahahati. Amin nang nabanggit na an gang NFT, sa makikita sa pangalan nito, ay natatangi at magkakaiba sa isa’t isa. Dahil sa metadata ng asset na ito, hindi maaaring mapagpalit-palit ang NFT sa isa’t isa, kahit na nasa parehong plataporma lamang ang mga ito—nirerepresenta nito ang iba’t ibang bagay, kagaya ng iba’t ibang artworks. Ang mga NFT ay namumukod tangi rin dahil saila ay pambihira. Ito ang dahilan kung bakit sila may mataas na halag at kung bakit kaaya-aya at kaengga-engganyo sila bilang gawing koleksyon. At panghuli, ang NFT ay hindi nahahati. Di tulad ng dolyar na maaaring hatiin upang maging sentimo at ETH at iba pang crypto na maaaring mahati sa decimal level, ang mga NFT ay hindi maaaring paghiwa-hiwalayan sa maliliit na piraso.

Ag tatlong pangunahing mga katangian ng NFT ang nagbibigay sa kanila ng benepisyo. Nirerepresenta nito ang pagmamay-ari, at hindi maaaring makuha mula sa user—hindi katulad ng ibang digital na plataporma. Isa pa, ito’y maaaring palitan sa digital marketplces, ang ibig sabihin, ang mga users ay maaaring i-derive ang halaga sa pamamagitan ng pagbebenta nito. Napapatunayan ang halaga ng NFT at napoprotektahan at nasisigurada na tuna yang mga ito sa pamamagitan ng blockchain basis na nagtatangga ng tsansa ng panloloko. Sinisurdo na ang mga NFT ay hindi peke, at ang mga io’y may tunay na halaga.

Dahil na rin sa mga katangiang ito, ang mga NFT ay umani ng kasikatan upang ipresenta ang mga bagay na simple at tradisyonal. Habang ang fiat ay may back up na mga metals at ang crypto ay may back-up na company assets, ang mga NFT ay nagrerepesenta ng di gaanong tradisyonal na nagsasali ng real world assets pati na rin ang mga achievement, ticket at in-game items at power-ups at mga koleksyong birtwal. Dahil sila ay optimally suited sa digital ecosystems, sila ay naging major force sa DeFI at gaming.

Dahil pinagkakaisa ng AnRKey X ang dalawang filed, ang mga, NFT ay nagbibigay ng malawak na array ng mhahahalagang gamit ng plataporma; ang mga token na ito ang nagme-memorialize ng in-game achievement, nagbibigay premyo sa users, nagrerepresenta ng boosts, nagdidisplay ng animated na artworks at nagibigay ng tunay na halaga sa mga users.